KEN XERXES VERSEWELL “Si Don Louis..” pag banggit ko sa tito ni Boss Flame. Tumayo na si boss Flame sa kanyang pagkaka upo na kina sunod ko ng tingin dito. “Mabuti at nakuha mo. Tara na at hinihintay na nila tayo.” Utos ni Boss Flame ay mabilis na kaming sumunod dito. Nasa labas lang kami ng UG ni Boss Balthazar medyo malayo ito at tago din kaya lang hindi kami agad pumasok sa loob. Nang makarating kami sa loob ay bumungad sa amin ang mga tauhan ng bawat grupo. Pinatawag na sila upang ipaalam ang sitwasyon ngayon. “Flame sinabi sa amin ni Balthazar at Zeven na ang ama ni Zeven ang leader nila. Flame totoo ba?” Bungad ni boss Thunder. “Wala sila Damon?” Tanong ko kay Lance ng maka tabi ako dito. “Hindi pupunta sa kanila kasi nang galing ang information kay Blake at Damon.” Nagulat ako sa narinig ko. “Paanong si Damon? Hindi nga?” Tanong ko dito. Nagkibit balikat lang ito. “Tama naman ang sinabi nila, pero may hindi tama dito. Ang taon kailan naging leader si Ronan, hindi
Read more