Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “H-Hindi, ah. Anong date ka dyan?” tanggi ko, ramdam ang pag-iinit ng pisngi ko. Lumapit na rin si Vera at Lian na pilyang nakangisi sa akin. “May something sa inyo ni Sir 'no?” sabay pa nilang tanong. “H-Hoy, w-wala. Ano ba kayo. Tumigil nga kayo dyan. Baka marinig kayo,” saway ko sa kanila. Walang date-date dito! Kakain lang kami, 'yon lang! Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ng magarbong ambiance, malambot na ilaw, mahinang musika, at mga matang agad napalingon sa amin. Isang staff ang lumapit na may ngiti sa labi. “Good afternoon, Sir.” Tumango si Tirso. “Reservation under Gotiangco.” Agad kaming inihatid sa isang pribadong mesa malapit sa bintana. Tahimik kaming umupo, ako sa tapat niya, habang nasa gilid sina Vera, Lian, at Cass, halatang alangan sa lugar. “This place is… fancy,” mahinang bulong ni Lian, halos hindi marinig. Tahimik lang akong ngumiti, hindi ko alam kung paano lulugar. Hindi ito parte ng plano ko para sa araw na ’
Last Updated : 2026-01-23 Read more