Bago pa man siya makasagot, nilampasan ko siya. Ngunit bago pa ako makalayo, hinawakan niya ako sa may siko at marahang pinihit paharap sa kanya. “Ano ba, Tirso—” I gasped as he pulled me into a hug. Gulat na gulat ako kaya’t hindi agad ako nakapag-react. Nang matauhan ako, tinulak ko ang dibdib niya, pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin. “Ano ba, Tirso! Bitawan mo ’ko!” pagpupumiglas ko. “You can’t just barge in here and say sorry! Ano bang magagawa ng sorry mo, ha?!” “I know,” mahina niyang sagot, halos pabulong sa may buhok ko. “But I still want to say sorry because I made you overthink. Pinasama ko ang loob mo. I’m sorry for everything. This is my first time having a woman in my life that I want to take seriously, and I don’t know what to do, but I’m trying, Irene.” Malakas ko siyang itinulak at nang makawala ako, pinanlisikan ko siya ng mata. “Ako lang ba talaga, Tirso?!” nanginginig ang boses kong sigaw, galît na galît. Tila nagulat siya sa sinabi ko.
Last Updated : 2026-01-21 Read more