Lumapit ang isang kasambahay kay Damon at ipinakita ang mga paso ni Winter sa kanyang mga binti. "Sir Damon, hinugasan na po namin ng malamig na tubig ang mga paso ni Winter. Pero mas mabuti pa rin po sir kung mapapa-check up niyo po ang kalagayan ng bata sa hospital, para mas safe po ang kalalagyan niya." Hindi na nag-isip pa si Damon sa suhestyon ng kasambahay at agad siyang tumango. "Sige, manang." At mabilis niyang kinarga ang bata at tumingin sa direksyon ni Mara."Mara, sumama ka rin sa hospital. Saka na natin i-check ang cctv pagdating natin."Makahulugan namang tumingin si Mara kay Lean. "Sige. Hindi naman siguro mawawala ang video footage kanina sa sala, hindi ba?" Napakagat naman ng labi si Lean ng marinig iyon, dahil hindi niya na alam ang kanyang gagawin para itago ang katotohanan na sinadya niya talagang tamaan ang kettle. Kung hindi lang para sa kapakanan ni Winter ang pagpunta sa hospital ay mas uunahin talaga ni Mara na makita ang video fooatge kanina. Iisa lang nam
Terakhir Diperbarui : 2026-01-06 Baca selengkapnya