Nang makita ni Winter na tahimik lamang na nagmamasid si Damon ay napanguso siya rito. "Tito Damon, pwede po bang huwag niyo nang awayin si tita Mara? She's so beautiful kaya bakit mo po siya nakakayang awayin? Bad ka po." Bahagya namang napakurap si Damon sa mga sinabi ni Winter. Sa totoo lang ay ayaw niya naman talagang awayin ito ngunit si Mara mismo ang gumagawa ng paraan para inisin siya."Hindi ko gustong makipag-away sa tita Mara mo, Winter." "Ang turo po saakin ni mama, dapat lalaki po ang laging umiintindi sa babae. Kaya dapat lagi mo rin pong pagbigyan si tita Mara para hindi na po kayo mag-away."Nanatiling tahimik si Damon at nag-isip kung pagbibigyan niya ba si Mara? Kailangan bang ganoon ang patakaran nila lalo pa at matalim ang dila nito kapag nagsasalita?Sinamantala naman ni Amie ang katahimikan at sumingit siya sa usapan. "Winter, away ng tita Mara at tito Damon mo iyan kaya hindi ka dapat ganyan magsalita, naiintindihan mo ba?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay h
Terakhir Diperbarui : 2026-01-27 Baca selengkapnya