Nakatanggap ng tawag si Mara galing kay Amie nang makaalis siya sa auction house. Nasa aiport na ito at nagkasundo silang dalawa na magkita na lamang sa harapan ng mansion nila Damon.Sa entrance pa lamang ng mansion ay kwinento na lahat ni Mara kay Amie ang mga nangyari sa loob ng dalawang araw. Habang nakikinig si Amie sa mga sinasabi ni Mara ay sumisikip ang kanyang dibdib sa kaba. "Mara, anong gagawin ko? Paano kung alam niya na talaga ang tungkol sa mga anak niyo? Kapag pumasok ako sa loob ng mansion ay baka mas lumala pa ang pagkakaalam ni Damon sa tinatago mo." Napakagat naman ng labi si Mara at nag-isip. "Sabagay, tama ka nga. Kaya ako na muna ang mauunang pumasok sa mansion." Makikita ang determinasyon sa mga mata niya. "Kapag totoo ngang alam niya na ang tungkol sa mga triplets ay magiging walang saysay ang pag-byahe mo papunta rito. Kaya ako muna ang papasok at aalamin mo kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga binanggit niya kagabi." "Mara, nakapag-isip ka na ba ng m
Terakhir Diperbarui : 2026-01-17 Baca selengkapnya