[The Dance on the Edge of Death]Ang bawat hininga ni Ryella ay tila isang nakakapasong hangin sa leeg ni Vladimir. Ang katawan ng kanyang asawa, na dati ay dambana ng kanyang pagnanasa, ay isa na ngayong mitsa ng kamatayan. Sa bawat segundo ng kanilang pagdadaiti, ang biosensor na itinanim ni Viktor sa ilalim ng balat ni Ryella ay naglalabas ng isang mahinang pulsing light na kulay pula, na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang itim na gown."Vladimir… bitawan mo ako," hikbi ni Ryella. Ang kanyang mga kuko ay bumaon sa balikat ni Vladimir. Pilit itong itinutulak palayo kahit ang kanyang puso ay nagsusumamong manatili. "Papatayin kita… ang mga bata… gagawin nila akong pumatay sa'yo!""Hinding-hindi kita bibitawan," ungol ni Vladimir. Ang kanyang boses ay puno ng isang madilim at marahas na paninindigan. Hinigpitan niya ang pagkayakap sa baywang ni Ryella, idiniin ang kanyang katawan dito nang walang pag-aalinlangan sa panganib. "Kung sasabog ka, sasabog tayo nang magkasama. I would
Read more