[The Last Supper]Ang usok mula sa pagsabog ay dahan-dahang napalitan ng amoy ng mamahaling steak at alak. Isang eksenang hindi kapani-paniwala ang bumulaga kina Vladimir at Ryella sa itaas na palapag ng mansyon. Sa gitna ng kanilang enggrandeng dining hall, nakahain ang isang hapunan na pang-hari. Ang mga kandila ay may sindi; ang musika ay mahina at klasikal, ngunit ang paligid ay nababalutan ng mga tauhang may hawak na matataas na kalibre na baril.Sa dulo ng mahabang mesa, nakaupo si Vlady. Ang bata ay nakasuot ng isang tailored suit, kasing-tikas ng kanyang ama, ngunit ang kanyang mga mata ay walang kahit anong bakas ng inosenteng bata. Sa kanyang tabi, ang tablet na nagpapakita ng countdown ay nakapatong, parang isang bumbang nakahanda nang sumabog."Maupo kayo, Papa. Mama," paanyaya ni Vlady. Ang boses niya ay kalmado, isang klase ng kalamidad na mas nakakatakot kaysa sa sigaw. "Sabi ni Silvan bago siya mamatay, ang pamilya ay nag-uusap sa hapag-kainan. Huwag kayong mag-alala;
Read more