"Is something wrong?" tanong niya nang mahina at sobrang lambot ng boses, tila ba iniingatan niya ang bawat salitang binibitawan. Agad na umiling si Mallory, pilit na pinapakalma ang sarili. "Wala naman," sagot niya nang pormal. Kinuha niya ang kutsarang inabot ni Theodore, yumuko nang bahagya, at pilit na binago ang usapan para matakasan ang hiya. "Si Dr. Santos... nakauwi na ba siya?" tukoy niya Kay Julie. "No, she had to go to work today. So, she went straight to the duty room to get some rest.” sagot nito nang kalmado. Nang marinig iyon, lalong bumigat ang pakiramdam at mas lalong namula ang mukha ni Mallory. Dahil sa nangyari sa kanya, naging abala at naabala pa niya ang ibang tao. Nakonsensya siya nang sobra. "Here, have another siopao. It has vegetables inside.” Bago pa man siya makapag-isip nang malalim, inabutan na siya ni Theodore ng isa pang mainit na siopao. Tinanggap at kinuha niya ito, habang pasimple at palihim niyang sinulyapan ang isang supot na nakapatong sa
Read more