Sa mga sumunod na araw, naging sunod sunod ang mga hindi inaasahang balita sa mundo ng business world.Una, napabalitang na bankrupt ang pamilya Sandoval.Pangalawa, nagtangkang magpakamatay si Edward.Sunod, naging comatose ang lalaki, at ngayon naman, cancel na ang engagement nina Blake at Erin.Sabi-sabi ng mga tao, si Blake daw ang may gawa sa pagkahulog ni Edward, kaya sa sobrang galit at lungkot ni Erin ay hiniwalayan niya ito agad. May mga nagsasabi pa na ilang araw nang hindi pumapasok si Blake sa opisina at lunod na lunod na sa alak dahil sa sobrang pagkadismaya.***************Samantala, sa isang madilim at tago na bar, nakaupo si Miguel sa isang sulok na napapalibutan ng mga bakanteng bote ng alak. Habang tinitingnan niya sa kanyang cellphone ang balita tungkol sa paghihiwalay nina Blake at Erin, dahan-dahang gumuhit ang isang masamang ngiti sa kanyang mukha.“Blake, sa wakas, may nakatapat ka rin,” bulong niya sabay tungga ng alak. Tuwang-tuwa siya habang iniisip ang pag
Read more