Mabilis na pinindot ni Jerwin ang call button sa tabi ng kama—halos masira na niya ito sa lakas. Agad na dumating ang doktor at nurse.Matapos ang pagsusuri, nakita nilang maayos naman sumagot si Erin. Naiintindihan niya ang lengguwahe, marunong siyang magbilang, at alam niya ang mga petsa. Pero hindi niya maalala ang sarili niyang pangalan, ang pamilya niya, kung bakit siya sugatan—o kung bakit siya buntis.“Retrograde amnesia,” paliwanag ng doktor. “Dahil ito sa pagkakauntog ng ulo niya. Alam niya ang mga pangkalahatang bagay, pero ang mga personal niyang alaala ay nawala. Kung kailan ito babalik... hindi natin masabi. Pwedeng linggo, buwan, o minsan, hindi na talaga bumabalik.”Nakatayo lang si Jerwin sa tapat ng bintana sa opisina ng doktor, nakatalikod.“Kumusta ang baby?” mahinang tanong niya.“Stable ang bata, pero kailangan ng matinding pahinga ng ina dahil sa trauma,” sagot ng doktor. “Mr. Vertuso, ikaw ba ang...?”“Pamilya niya ako,” putol ni Jerwin. “Gawin niyo ang lahat.
Read more