Nakatingin si Wendy sa bintana ng kanyang condo, habang nag iisip ng paraan kung paano muling mapapapayag si Trisha na sumunod sa kanilang napagkasunduan.Nagpabalik balik siya sa loob ng silid, at pilit na iniisip kung ano ang maaaring maging plano niya, para umayon sa kanya ang kanyang plano.Kinuha niya ang kanyang cellphone, saka naghanap ng mga kontak doon, habang kinakagat niya ang kanyang mga kuko, tanda na siya ay nastress na.Huminga siya ng malalim, malalim at malalim..Kailangan niyang makagawa ng paraan.. Kailangan niyang makaisip ng bagay na talagang magagamit niya laban kay Erol.Sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sampung taon na ang nakakaraan. Matapos niyang makipag usap sa isang gang upang bugbugin si Erol...."Siguraduhin niyong babaliin niyo ang buto, para hindi na siya makahanap ng iba," sabi niya sa mga iyon."Ma'am.. paano po kapag napatay namin siya?" nag aalalang tanong ng pinakalider nila."Bakit mo papatayin, gago ka ba? magpapakasal lang ako ngayon, kaila
続きを読む