Se connecterFIRST PERSON's P O V
" Ano ka ba namang bata ka! Tanghali na, pumasok ka na, aba! Ilang buwan na lang ay magtatapos ka na ng iyong pag- aaral! Ngayon ka pa ba magpapabaya!? " ginigising ako ni Yaya na may halong sermon pero wala talaga akong sigla na bumangon pa at mag- aral, para saan pa e iyong inspirasyon ko. " M- Masakit po ang ulo at katawan ko, Yaya. " paos ang boses na tugon ko naman sa aking tagapag- alaga ng mag mulat ako ng mga mata " Huh!? Naku! Ang tindi ng lagnat mo! Bakit ganyan!? Maayos ka naman kagabi bago tayo matulog! " bulalas na wika pa niya nang salatin ang leeg at noo ko ng likod ng palad niya Wala nga siyang paki kahit mahawa sa sakit ko basta matabihan niya lamang ako at masiguradong hindi ako gagawa nang ikaka binat ko. Pero ganito pa rin ang nangyari, mataas na naman ang lagnat ko. " Tatawagin ko ang Mommy mo para mapa- check up ka sa family doctor n'yo! " saad pa niya at mabilis na naka alis sa aking harapan Hindi na ako kumontra pa dahil nakakaramdam na rin ako ng hilo. Kaya pumikit na lamang ako para matulog pa nga sana. Narinig ko na lamang na bumukas at sumara ang pinto, indikasyon iyon na lumabas nga siya. Naka tulog naman ako agad subalit, nagising ulit ako sa mga boses na naririnig ko at tila may humahawak sa aking katawan. " Good morning, anak, kailangan ka lang i- check ni Doc. " masuyong sambit ni Mommy nang magtama ang aming mga paningin, tumango lang ako bilang tugon. Naka suot ang kabilang dulo ng stethoscope sa tainga ng aming family doctor at iyong kabila ay itinapat sa aking dibdib at likod. " Kailangan lamang niyang magpahinga ng maayos at matulog ng sapat, naging stress siguro siya sa school lately. " sambit ng doctor pagkatapos akong i- check up. " G- Ganoon na nga po. " kiming saad ni Mommy Tahimik lang kami ni Yaya na nakamasid, nasa kabilang side ng kama ko siya nakatayo samantalang si Mommy at Doctor ay sa kanan. Marami pang ibinilin ang doctor sa akin at kay Mommy, nakikinig din naman ako ngunit tila hindi nagsi- sink in sa utak ko dahil nahihilo pa nga ako. " T- Thank you po. " kiming saad ko sa manggagamot ng magpa alam itong uuwi na. Paos pa nga ang boses ko dahil nauuhaw ako hindi ko lamang masabi sa aking mga kaharap. Pagka labas naman nila ni Mommy ng silid ko ay tsaka ko sinabi sa aking Yaya. " T- Tubig. " agad naman itong nag salin sa baso mula sa pitcher sa bedside table at inalalayan pa akong uminom " Narinig mo ang sinabi ng doctor, h'wag kung ano- ano ang iniisip at ipahinga mo 'yang katawan mo. Wala ba kayong exam? Sayang naman ang pag- aaral mo kung ilang buwan na lang ay kaka- graduate ka tapos ngayon ka pa nagka sakit. " may pag- aalala sa boses niya ngunit hindi ako sumagot dahil masakit na masakit ang ulo at katawan ko. Umayos na lamang ako nang higa, umikot naman siya patungo sa kabilang side ng kama ko at naramdaman kong lumundo iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman kong sinusuklay na niya ang mahaba kong buhok. " Bakit ka magmu mukmok diyan? Dapat nga ipakita mo sa kanila na matapang ka. Na kaya mong harapin kung anumang pag subok ang dumaan sa buhay mo. Matured ka na dapat mag- isip. " malumanay na sermon niya " Alam ko naman po ang ibig n'yong sabihin, pero kasi naman, Yaya, nang hihina ang katawan ko kapag sumasagi sa isip kong wala na akong pag- asa kay Vaughn. " tugon ko na mangiyak- ngiyak na naman ako " Ang sabi ko naman sa'yo hanggang hindi silang dalawa humaharap sa altar ay may pag- asa ka pa! Malay mo makakita ng iba sa ibang bansa si Yvonne o kaya naman maisip ni Vaughn na hindi pala talaga niya mahal ang Fiancee niya? " pag papalaks pa ng loob nito pero lalo lamang nahilam ang mga mata ko sa luha " Malabo naman po iyong mangyari, Yaya. " sumisinghot na saad ko " Tsk! Basta, habang hindi pa sila nag papalitan ng 'I do' may pag- asa ka! " pamimilit pa niya, hindi na lamang ako kumibo at hinayaang dumaloy ang masagang luha sa makinis kong pisngi " Pero h'wag mong gagawin iyong binabalak mo! Kung ayaw mong kamuhian ka ng pamilya mo at ni Vaughn! Tsaka mas masarap tamasahin ang pag- ibig o tagumpay kung ito ay iyong pinag hirapan, hindi sapilitang kinuha lamang. " bilin pa nito Pero iyon talaga ang nag lalaro sa aking balintataw, dahil iyon na lamang ang tanging naiisip kong paraan. Bahala na sa magiging consequences na aking gagawin, ipapa dama at ipapa kita ko naman sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gagawin ko ang lahat matutunan lamang akong mahalin ni Vaughn. Hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog na ulit ako. Kaya hindi ko na nalaman no'ng bumalik si Mommy sa aking silid. Lumabas din naman agad nang malamang naka tulog ako ulit kasama si Yaya. Hapon na no'ng magising ulit ako at may naka handa ng pagkain ko at vitamins na inireseta raw ng aming family doctor. Gayunpaman ay hindi pa rin nawawala ang sakit ko o talaga lamang tila wala na akong ganang mabuhay dahil sa aking nabalitaan tungkol sa binatang bata pa lamang ako ay iniibig ko na. Dumaan pa kasi ang mga araw na naging linggo na matamlay ako, ultimo pag tungo nga sa banyo ay kailangan pang may naka alalay sa akin dahil tila kandilang nauupos ang aking mga binti na hindi ko maitapak. Tila nawalan na rin ng sigla ang aking sistema o ayaw lamang talagang mag- function ng utak ko dahil sa kawalan ng pag- asa? Naka- ilang balik na ang aming family doctor para i- check up ako ngunit ganoon pa rin ang lagi niyang ibinibilin na mag pahinga at h'wag magpaka pagod. Ilang linggo na nga akong naka higa lamang subalit hindi bumubuti ang aking pakiramdam kahit inumin ko ang vitamins na inireseta niya. Hanggang sa namalayan ko na lamang na hindi na siya pumupunta rito, sumuko na siguro dahil alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ganito akong tila ayaw ng mabuhay. " Gaga! Mabuti na lang at mababait ang mga Professor natin at bibigyan ka ng special exam! " sermon ni Trish nang dalawin nila ako ni Carol isang araw Silang dalawa ang bestfriend ko at alam ang lahat ng pagka humaling ko kay Vaughn. " Baka hindi na rin ako mag- exam, para saan pa? Kaya ko namang mabuhay kahit hindi maka- graduate ng kolehiyo. " matamlay ko namang saad " Loka! Iba pa rin ang may diploma! At hindi mo masasabi ang panahon na lagi kayong mayroon! " sermon naman ni Carol Alam naman kasi nila kung bakit ako nagkaka ganito. " Umayos ka nga! Paano ka pa niyang magugustuhan ni Vaughn e tila ka na wala ng buhay diyan sa kilod mo! " wika pa ni Trish " Wala naman talaga! " " Gaga! Sabihin pa no'n para kaunting pag subom susuko ka na! E sa totoong buhay mas malala pa riyan ang dapat harapin ng magka relasyon o mga pamilya! Kumbaga, patikim pa lang iyan sa'yo na pag subok, suko ka na agad!? Paano pa kaya kapag may sarili ka ng pamilya? Paano n'yo sasandalan ang isa't isa kung hindi ka magpapaka tatag?! " mahabang pahayag pa ni Trish Sa aming tatlo ay siya talaga ang maraming baon laging words of wisdom. " Tutulungan ka na lang naming pikutin mo si Vaughn! " wika naman ni Carol na siya minsan bad influence sa amin. Katwiran niya kasi ay minsan lang mabuhay kaya dapat ay sulitin ang bawat sandali. Ilang sandali nga ay iyon na ang pinag planuhan namin. Na kuntodo kontra naman ni Trish sa amin. Hanggang sa wala siyang nagawa ng may mabuo na kaming plano ni Carol. Tila sumigla rin ang aking pakiramdam dahil may tutulong na at kukunsinti sa binabalak ko.FIRST PERSON's P O V" Kailan mo balak na sagutin si Vince, anak? " masuyong tanong ni Mommy habang nililinisan niya ako ng katawan Natuloy kasi sa trangkaso ang sama ng pakiramdam ko kahapon. Kaya hindi ako nakapasok sa trabaho gayunpaman ay hindi pa rin pumalya ang binata sa pag bibigay sa kanya ng bungkos ng bulaklak na may kasamang basket of fruits nang malaman na nag tuloy nga ang sakit niya. " Huh!? Balak ko na nga po siyang i- basted sa isang linggo, Mommy. " paos ang boses na tugon niya " Ano!? Hindi mo ba nakikita ang effort niya!? Pambihira ka! Ano pa ba naman ang ayaw mo sa kanya, ha!? Thoughtful! Sweet! Magalang sa amin ng Daddy at kuya mo! At alam naming mahal na mahal ka! " bulalas na wika pa niya kaya napa kamot na lamang ako sa aking kilay. " Ano pa ba naman ang gusto mo?! " dugtong pa niya " S- Si V- Vaughn po. " mahinang boses kong tugon" Ano!? Ano ba ang nakita mo sa taong iyon at humaling na humaling ka!? Ang laki ng agwat ng edad n'yo! Hindi ka naman niya pi
THIRD PERSON's P O VTodo panliligaw na nga si Vince kay Sam — sinusundo pa siya sa umaga sa bahay nila para ihatid sa kaniyang opisina at sinusundo naman sa hapon para ihatid o kaya ay kumain muna sila ng dinner. Lagi rin may binibigay sa kanyang bouquet of flowers, nagpapa- deliver din ng lunch kapag hindi sila nagkaka sabay na kumain. Kapag sabado ng gabi naman ay dumadalaw rin ito sa bahay nila bilang pag bibigay ng respeto sa kanyang mga magulang. Kung tutuusin ay larawan ng isang perpektong nobyo na si Vince o asawa. " Ano na ang iskor sa inyo ni Vince? " kinikilig na usisa ni Carol " Ganoon pa rin! " kibit balikat na tugon ni Sam sabay kagat ng steak sa tinidor niya Nasa restaurant sila. Sabado kasi kaya naisipan nilang tatlo na mag- shopping at manood ng movie. Bilang kanilang bonding." Iyon lang samantalang ang green flag no'ng tao?! Hello! Ano pa ba ang hinahanap mo sa isang lalaki!? " bulalas na saad ni Trisha na tila hindi makapaniwala sa isinagot niya " Iyong hind
FIRST PERSON's P O V" H'wag ka agad maniniwala kay Vince! Kakausapin ko muna siya! Para naman kaming hindi mag kaibigan ng kuya niya kung gagawan ka niya ng masama!? Hindi man lang niya ako ni respeto! " sambit agad ni Kuya pagka labas pa lamang ng sasakyan niya sa aming bakuran " Kinausap naman siya ni Daddy. " tugon ko naman " Kahit na! Dapat pati sa akin e nang hingi siya ng permiso na ligawan ka! " katwiran pa niya Kaya napa nguso na lamang ako. Masyado naman kasing OA ang reaksyon niya. Kung sabagay, ngayon nga lamang kasi may nanligaw sa akin. Tapos nag- iisa pa niya akong kapatid kaya dapat lamang na maging istrikto siya. Kaya nga lamang ay sumobra naman siya sa pag hihigpit kaysa sa aming ama? " Kapag sinundo ka niya mamaya, tawagan mo ako at kakausapin ko nga siya! " bilin pa niya bago akp bumaba ng sasakyan Nasa tapat na kasi ang sasakyan niyang dina- drive sa building ng isang kumpanya namin kung saan ako nagta trabaho. Sa kabilang negosyo siya naman ang nagma- manag
THIRD PERSON's P O V" Loka! H'wag ka agad maniniwala! Baka kasi inutusan lang iyan ng Kuya Vaughn para hindi ka mangulit sa kanya! " mabilis na tugon ni Trisha " Kaya nga manliligaw e! " pairap na kontra naman ni Carol Na kwento na kasi ni Sam sa mga ito ang pag- amin ni Vince sa kanya at pag kain ng dinner sa labas. Noong una ay nagulat ang mga kaibigan niya. Nang maka bawi ay hati nga ang naging komento ng mga ito. Nag- uusap nga sila tru video call, nasa ibabaw ng kama niya ang laptop habang naka dapa siya. Ganoon din ang pwesto ng mga kaibigan. " Hindi ko naman sasagutin agad- agad! " wika pa niya, " Tsaka, sa palagay n'yo ba, magagawa iyon na mag kapatid sa akin e kaibigan ni Kuya Sammy si Vaughn? " dugtong pa niyang wika " Kaya nga! Ang tatanda naman na nila para pag planuhan pang pag laruan ang damdamin ni Sam! " wika ni Carol " Hhmmppp! Bahala nga kayo! Basta hindi ako nag kulang sa paalala! " pairap pang saad ni Trisha " Grabe ka naman kay Vince! Judgemental lang!? "
THIRD PERSON's P O V" Hi, Sam! Good Evening! " magalang na bati ni Vince habang palabas si Samantha ng building ng kanilang kumpanya " Oh, Vince! Magandang gabi rin! Ikaw pala! Saan ang punta mo!? " magiliw niyang bati sa bunsong kapatid ni Vaughn" E, s- sa'yo sana, a- aayain sana kitang mag- dinner? Kung okay lang sa'yo? " kiming saad nito kaya mahina siyang natawa, " Para sa'yo nga pala! " napapa kamot sa batok pang bigay nito sa isang long stem na red rose " Thank you! Nag- abala ka pa naman! " kiming saad din ni Sam at inabot ang binibigay ng binata na bulaklak " Wala iyon! So, tara! Dinner tayo!? " ulit ni Vince sa alok sa dalaga" Sure! Ikaw pa! " mabilis namang niyang tugon Dahil nga kapatid ito ni Vaughn kaya kilala na rin nila ang isa't isa pero hindi ganoon ka- close dahil ang kuya nito ang kaibigan ng kapatid niya. " Dito na tayo sa kotse ko? " saad pa nito " Wait, sabihan ko lang ang driver namin na mauna na siya. " paalam muna ni Sam sa kanya at hindi na hinintay
FIRST's P O V" May chika ako sa inyo, girls! Good news! " excited na saad ko sabay palakpak ko pa " Ano naman iyon? May trabaho ka na agad? " hula ni Carol kaya mahina kaming natawa" Hmm! Niregaluhan ka ng kotse ng pamilya mo!? " saad naman ni Trisha kaya mas lalo kaming natawa. Napa halukipkip na lamang ako sabay irap sa kanilang dalawa, una kasi ay hindi ko naman kailangang mag hanap ng trabaho dahil anumang oras ko naisin ay pwede na akong mag- manage ng aming family business. Pangalawa, hindi naman ako marunong mag- drive dahil hindi nila ako pina payagan na mag maneho na mag- isa. Kaya paanong iyong mga sinambit nila ang aking magandang balita? No'ng isang araw kasi idinaoa ang aming graduation at humiling kami pare- pareho sa mga magulang namin ng isang linggo pahinga bago sumabak sa trabaho sa opisina. May mga negosyo kasi ang aming mga pamilya kaya hindi na namin kailangang mag hanap ng trabaho. Napa iling tuloy ako kung mga kaibigan ko ba talaga sila? Dahil tila hind







