Se connecterTHIRD PERSON P O V
" Anak, hindi ka ba papasok sa school? " masuyong tanong ng Ginang sa anak na dalaga na naka higa man sa malambot at malapad na kama subalit malayo naman ang tingin nito, tila nga wala ito sa sarili at hindi naririnig ang kaniyang Ina. " Samantha Rose! Kinakausap kita! " bahagya ng tumaas ang timbre ng boses ni Ginang Amanda kaya naman napilita si Sam na umupo sa kama " Ma- Masama po ang pakiramdam ko, Ma. " Paos ang boses na tugon niya Agad naman siyang nilapitan ng Ina at sinalat ng palad ang kanyang noo at leeg. " Naku! Mataas nga ang lagnat mo! Papadalhan kita ng lugaw kay Yaya para makainom ka ng gamot! " bulalas na wika pa ng Ginang Hindi na lamang kumibo si Sam bagkus at nahiga ulit siya. " Tatawag na rin ako sa school n'yo para ma- excuse ka sa klase. " sambit pa ng Ginang Wala naman siyang naririnig na tugon mula sa anak. Lumabas na nga muna siya sa silid ni Sam at nag mamadaling tinungo ang kusina para magpa luto ng lugaw para sa anak na dalaga. Mabilis naman siyang sinunod ng mga kawaksi. " Kumusta si Sam? " masuyong tanong ni Yaya sa among babae " Ayun! Matamlay at mugto ang mga mata. " matamlay namang saad ng Ginang, " Hayst! Ang batang iyan, akala mo gano'n- gano'n lang ang pag- ibig! " dugtong pang wika ng Ginang na naiiling " Talagang tinamaan ang alaga ko kay Vaughn. " naiiling namang saad ni Yaya " Paano ang gagawi natin, Yaya sa alaga mo? " puno naman ng pag- aalala ang mababakas sa mukha ng Ginang " Babantayan ko na lang siyang mabuti, pero sinisigurado ko naman sa inyo na hindi gagawa ng hindi maganda si Sam. Pero natural lamang sa kanya na mag mukmok at masaktan dahil first love niya talaga si Vaughn at lagi niyang binabanggit na hindi na siya mag- aasawa kung hindi lang din ang kaibigan ng kuya niya ang kanyang magiging Mister. " mahabang litanya pa ni Yaya Mas lalo namang na lungkot ang Ginang. Pero wala naman siyang magagawa, ayaw naman niya o nilang mag- asawa na kunsintihin ang kagustuhan nito. Kung marami ang magiging affected. " Siya, punta na ako sa silid niya at dalhin ko itong lugaw para mainitan ang sikmura niya. " paalam ni Yaya nang makaluto ang mga kasambahay at ihanda ng nga itong ang pagkain ng dalaga. " Sige, susunod ako maya- maya. " tugon pa ng Ginang Binitnit na nga ni Yaya ang tray na may naka patong na puting bowl na may takip na may lamang lugaw, isang basong tubig, isang basong orange juice at isang platito na sliced fruits. " May sakit ka raw? " masuyong saad niya pag pasok sa silid ng alaga pagkatapos niyang kumatok at sabihin nitong pumasok na siya Dinatnan niya itong nakahiga habang naka sandig sa headboard ng kama ang likod at naka titig sa kawalan. Kahit naman dalaga na ito at close sila ay nirerespeto pa rin niya ang privacy ng mga amo. " O- Opo, yaya, a- alam mo na po ba ang balita tungkol kay V- Vaughn? " basag ang boses na tugon ni Sam na may halong kumpirmasyon " Oo, binanggit ng Mama mo sa akin. Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot. Sayang ang isang araw mo, hindi ka tuloy naka pasok sa eskwela. " pahayag pa ni Yaya na may halong pag- aalala " Hindi na ako papasok, Yaya. Tinatamad na ako, kaya nga ako nag sisipag na mag- aral para maipagmalaki ako ni Vaughn na kahit bata ako ay matalino naman. Tapos . . . " naiiyak namang tugon niya " Kumain ka na muna para malamnan ng pagkain iyang sikmura mo at makainom ka ng gamot. " masuyong saad pa ng kanyang tagapag- alaga Ipinatong naman nito ang tray sa hita ng alaga at nag simula na nga itong kumain. " Bakit pababayaan ko ang pag- aaral mo? Sabihin pa nila sa'yo para kaunting pag subok lang susuko ka na agad. Hindi pa naman sila naikakasal, marami pang maaaring mangyari sa ilang buwan ng kanilang engagement. Lalo na ngayon na nasa abroad si Yvonne. Wala kang mawawalan ng pag- asa hanggang hindi sila naikakasal pa. " pag kunsinti naman ni Yaya sa kaniyang alaga Hindi naman muna naka sagot si Sam dahil abala siya sa pag- ubos ng lugaw sa mangkok. Uminom na rin siya ng juice tsaka ng gamot. " Para naman pong sinabi n'yong ipanalangin kong h'wag matuloy ang kasal nila. " saad naman ni Sam, iyong mga prutas naman ang nilalantakan niya Mahina naman natawa ang kanyang Yaya. " Pina palakas ko lang ang loob mo. " wika pa nito " Paano pong lalakas e naka plano na nga po ang kasal nila? Ibig sabihin nga po niyon ay wala na akong pag- asa. " malungkot pang turan ng dalaga " Hanggang hindi sila nagpapalitan ng 'I do' ay may pag- asa ka pa! " pamimilit pa ni Yaya Napa haba na lamang ang nguso ni Sam pero hindi na siya kumibo. Iyong mga sliced fruits na lang ang inatupag niyang kainin. " Magpahinga ka ngayong gabi, dito ako matutulog para ma bantayan kita at baka kung ano- ano lang ang gawin e mabinat ka pa! Kailangan mo nang pumasok sa eskwela bukas, malapit ka naman nang makatapos ng pag- aaral mo! Pababayaan mo pa! " pahayag pa ni Yaya na nag- aalala na may halong sermon " Opo. " saad na lamang ni Sam Wala naman kasi siyang magagawa kung iyon ang nais ng kanyang tagapag- alaga. Hindi rin siya mananalo kahit kumontra pa. Nag linis na ito sa kanyang silid. Kaya hindi na kumibo. " Paano kaya kung pikutin ko na lang si Vaughn? " wika pa ni Sam " Ano!? Maryosep kang bata ka! Maghunos dili ka nga, Samantha sa binabalak mong iyan! " natigilan ito sa ginagawa at biglang napa- sign of the cross sa ipinahayag ng alaga. " Para kang mauubusan ng lalaki kung umasta ka! E, ang dami mo namang manliligaw sa eskwela! Sa kanila mo na lang ibaling ang iyong atensyon hindi sa gurang na si Vaughn! " bulalas pang sermon ni Yaya Hindi na lamang kumibo ang dalaga pero tila may nag lalaro na sa isipan niyang mga plano. Dahil napapa ngisi pa nga siya kahit kuda nang kuda ang kanyang tagapag- alaga habang nag lilinis ng kanyang silid.FIRST PERSON's P O V" Kailan mo balak na sagutin si Vince, anak? " masuyong tanong ni Mommy habang nililinisan niya ako ng katawan Natuloy kasi sa trangkaso ang sama ng pakiramdam ko kahapon. Kaya hindi ako nakapasok sa trabaho gayunpaman ay hindi pa rin pumalya ang binata sa pag bibigay sa kanya ng bungkos ng bulaklak na may kasamang basket of fruits nang malaman na nag tuloy nga ang sakit niya. " Huh!? Balak ko na nga po siyang i- basted sa isang linggo, Mommy. " paos ang boses na tugon niya " Ano!? Hindi mo ba nakikita ang effort niya!? Pambihira ka! Ano pa ba naman ang ayaw mo sa kanya, ha!? Thoughtful! Sweet! Magalang sa amin ng Daddy at kuya mo! At alam naming mahal na mahal ka! " bulalas na wika pa niya kaya napa kamot na lamang ako sa aking kilay. " Ano pa ba naman ang gusto mo?! " dugtong pa niya " S- Si V- Vaughn po. " mahinang boses kong tugon" Ano!? Ano ba ang nakita mo sa taong iyon at humaling na humaling ka!? Ang laki ng agwat ng edad n'yo! Hindi ka naman niya pi
THIRD PERSON's P O VTodo panliligaw na nga si Vince kay Sam — sinusundo pa siya sa umaga sa bahay nila para ihatid sa kaniyang opisina at sinusundo naman sa hapon para ihatid o kaya ay kumain muna sila ng dinner. Lagi rin may binibigay sa kanyang bouquet of flowers, nagpapa- deliver din ng lunch kapag hindi sila nagkaka sabay na kumain. Kapag sabado ng gabi naman ay dumadalaw rin ito sa bahay nila bilang pag bibigay ng respeto sa kanyang mga magulang. Kung tutuusin ay larawan ng isang perpektong nobyo na si Vince o asawa. " Ano na ang iskor sa inyo ni Vince? " kinikilig na usisa ni Carol " Ganoon pa rin! " kibit balikat na tugon ni Sam sabay kagat ng steak sa tinidor niya Nasa restaurant sila. Sabado kasi kaya naisipan nilang tatlo na mag- shopping at manood ng movie. Bilang kanilang bonding." Iyon lang samantalang ang green flag no'ng tao?! Hello! Ano pa ba ang hinahanap mo sa isang lalaki!? " bulalas na saad ni Trisha na tila hindi makapaniwala sa isinagot niya " Iyong hind
FIRST PERSON's P O V" H'wag ka agad maniniwala kay Vince! Kakausapin ko muna siya! Para naman kaming hindi mag kaibigan ng kuya niya kung gagawan ka niya ng masama!? Hindi man lang niya ako ni respeto! " sambit agad ni Kuya pagka labas pa lamang ng sasakyan niya sa aming bakuran " Kinausap naman siya ni Daddy. " tugon ko naman " Kahit na! Dapat pati sa akin e nang hingi siya ng permiso na ligawan ka! " katwiran pa niya Kaya napa nguso na lamang ako. Masyado naman kasing OA ang reaksyon niya. Kung sabagay, ngayon nga lamang kasi may nanligaw sa akin. Tapos nag- iisa pa niya akong kapatid kaya dapat lamang na maging istrikto siya. Kaya nga lamang ay sumobra naman siya sa pag hihigpit kaysa sa aming ama? " Kapag sinundo ka niya mamaya, tawagan mo ako at kakausapin ko nga siya! " bilin pa niya bago akp bumaba ng sasakyan Nasa tapat na kasi ang sasakyan niyang dina- drive sa building ng isang kumpanya namin kung saan ako nagta trabaho. Sa kabilang negosyo siya naman ang nagma- manag
THIRD PERSON's P O V" Loka! H'wag ka agad maniniwala! Baka kasi inutusan lang iyan ng Kuya Vaughn para hindi ka mangulit sa kanya! " mabilis na tugon ni Trisha " Kaya nga manliligaw e! " pairap na kontra naman ni Carol Na kwento na kasi ni Sam sa mga ito ang pag- amin ni Vince sa kanya at pag kain ng dinner sa labas. Noong una ay nagulat ang mga kaibigan niya. Nang maka bawi ay hati nga ang naging komento ng mga ito. Nag- uusap nga sila tru video call, nasa ibabaw ng kama niya ang laptop habang naka dapa siya. Ganoon din ang pwesto ng mga kaibigan. " Hindi ko naman sasagutin agad- agad! " wika pa niya, " Tsaka, sa palagay n'yo ba, magagawa iyon na mag kapatid sa akin e kaibigan ni Kuya Sammy si Vaughn? " dugtong pa niyang wika " Kaya nga! Ang tatanda naman na nila para pag planuhan pang pag laruan ang damdamin ni Sam! " wika ni Carol " Hhmmppp! Bahala nga kayo! Basta hindi ako nag kulang sa paalala! " pairap pang saad ni Trisha " Grabe ka naman kay Vince! Judgemental lang!? "
THIRD PERSON's P O V" Hi, Sam! Good Evening! " magalang na bati ni Vince habang palabas si Samantha ng building ng kanilang kumpanya " Oh, Vince! Magandang gabi rin! Ikaw pala! Saan ang punta mo!? " magiliw niyang bati sa bunsong kapatid ni Vaughn" E, s- sa'yo sana, a- aayain sana kitang mag- dinner? Kung okay lang sa'yo? " kiming saad nito kaya mahina siyang natawa, " Para sa'yo nga pala! " napapa kamot sa batok pang bigay nito sa isang long stem na red rose " Thank you! Nag- abala ka pa naman! " kiming saad din ni Sam at inabot ang binibigay ng binata na bulaklak " Wala iyon! So, tara! Dinner tayo!? " ulit ni Vince sa alok sa dalaga" Sure! Ikaw pa! " mabilis namang niyang tugon Dahil nga kapatid ito ni Vaughn kaya kilala na rin nila ang isa't isa pero hindi ganoon ka- close dahil ang kuya nito ang kaibigan ng kapatid niya. " Dito na tayo sa kotse ko? " saad pa nito " Wait, sabihan ko lang ang driver namin na mauna na siya. " paalam muna ni Sam sa kanya at hindi na hinintay
FIRST's P O V" May chika ako sa inyo, girls! Good news! " excited na saad ko sabay palakpak ko pa " Ano naman iyon? May trabaho ka na agad? " hula ni Carol kaya mahina kaming natawa" Hmm! Niregaluhan ka ng kotse ng pamilya mo!? " saad naman ni Trisha kaya mas lalo kaming natawa. Napa halukipkip na lamang ako sabay irap sa kanilang dalawa, una kasi ay hindi ko naman kailangang mag hanap ng trabaho dahil anumang oras ko naisin ay pwede na akong mag- manage ng aming family business. Pangalawa, hindi naman ako marunong mag- drive dahil hindi nila ako pina payagan na mag maneho na mag- isa. Kaya paanong iyong mga sinambit nila ang aking magandang balita? No'ng isang araw kasi idinaoa ang aming graduation at humiling kami pare- pareho sa mga magulang namin ng isang linggo pahinga bago sumabak sa trabaho sa opisina. May mga negosyo kasi ang aming mga pamilya kaya hindi na namin kailangang mag hanap ng trabaho. Napa iling tuloy ako kung mga kaibigan ko ba talaga sila? Dahil tila hind







