CHAPTER 13: RejectionZelle's POVSobrang nagulat ako nong tawagin ni Kevin ang pangalan ko. Pero mas lalo akong nagulat nong si Mia ang nahila niya sa halip na ako. Pero mas mabuti ng ganon dahil nagkaroon kami ng oras ni Axel na makapag-usap na kami lang. Walang istorbo. Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Pero natatakot ako dahil alam kong hindi niya ako gusto. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako pero pakiramdam ko wala parin itong epekto. Pero tama si Mia, tama iyong sinabi niya sa'kin na hangga't hindi sinasabi sa'kin ni Axel na hindi niya ako gusto, hindi ako dapat titigil. Inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko. "San sila pupunta?" Tanong ni Axel pagkatapos hilahin ni Kevin si Mia. "Hindi ko alam. Hayaan mo nalang ang dalawang iyon. Baka may date pa sila. hehe" Napaka awkward ng situation namin ni Axel ngayon. Magkaibigan kaming dalawa pero hindi pa talaga kami nagsama na kami lang dalawa. Palagi kasing andun si Kevin sa tuwing
Terakhir Diperbarui : 2026-01-20 Baca selengkapnya