"Bakit ka pumayag na dito mag-opisina si Gustavo? Paalisin mo siya rito, please!"Napasugod tuloy siya kay Lorenzo at doon nagreklamo.Sinulyapan siya ni Lorenzo at binaba ang hawak na folder."I'm a business man, Angelita. He's a client and he's paying rent. Hindi naman ako tatanggi sa pera," katwiran nito.Napairap siya, "Akala mo naman may anak ka ng pinapakain."Napaubo ito bigla kaya namilog ang mga mata niya."Don't tell me bumalik na ang asawa mo?!" excited niyang tanong ngunit pinaningkitan siya nito ng mata kaya natutop niya ang bibig."No comment," simpleng sagot nito.Kukulitin niya pa sana kun'di lang sumilip sa pinto si Miss Lolita."Angel, gawan mo raw ng kape si Sir Gustavo," utos nito.Napakurap siya, "Bakit ako ang gagawa? Boss ko ba siya?""Hindi pero...." Napatingin si Miss Lolita kay Lorenzo.Tumikhim bigla si Lorenzo, "I'm your boss, but Gustavo is paying you."Nanlaki yata ang ulo niya sa narinig, "Seriously, Lorenzo?""What? It's a win-win situation for me. May
Last Updated : 2026-03-04 Read more