Tuloy-tuloy naman sa paglagok ng alak si Lorenzo.Nakatitig siya sa kawalan at nilalagok ang bawat tagay ni Juancho sa kanya."Problemang pag-ibig ba 'to kaya may meeting tayo?" Naguguluhang tanong ni Pedro.Inakbayan naman ito ni Gustavo, "May tama ka kaibigan. Iyong isang bug*k sa gilid, broken hearted yata. Kinakarma na sa sobrang taas maningil," parinig pa nito.Dumako kay Gustavo ang mga mata ni Lorenzo, "Tatawagan ko si Angel at sabihing hiwalayan ka na."Nilabas niya ang cellphone na kinataranta ng kaibigan. "G*go! Dinadamayan ka na nga, aalisan mo pa ako ng kaligayahan." Inagaw nito ang cellphone sa kanya at nakahinga nang maliwag. "Tss, under," mahinang bulong niya bago muling lumagok ng alak."Hoy! Narinig ko 'yon!" Naiduro pa siya nito.Natatawang inakbayan ito ni Pedro, "Hayaan mo na. Sige ka, bentahan ka ng mahal na lupa niyan."Nilayo ni Pedro si Gustavo kay Lorenzo. Nagbulungan pa silang tatlo habang nakatitig sa kaibigan nilang nilulunod na ang sarili sa alak."Walan
Last Updated : 2026-04-06 Read more