"Oo, Sofie baby. Yummy 'yon!" sagot muli ni Lenlen kaya lalo niya itong kinurot."Aw! Miss Sienna, joke lang po. Yummy naman talaga ang Buko Juice!" bawi nito kaya inirapan niya."Don't listen to your Tita Lenlen, Sofie. Listen lang ikaw kay Mommy ah?" Pagka-usap niya sa anak.Kumurap-kurap ito. Mapipilantik ang mga pilikmata nito. Namumula ang chubby na mga pisngi. Ang mga mata nito.... kuhang-kuha ang kay Lorenzo. Kahit saang anggulo, nagsusumigaw na isang espanyol ang anak niya."Luhuran mo na kasi si Sir Lorenzo, Miss Sienna. Kapag pinagbigyan niyo ulit iyon, baka buong universe ang ibigay no'n sa inyo—agajslsissbhs." Tinakpan na niya ang bibig nito at pinanlakihan ng mga mata. Ayaw niyang marinig ng Mama Miriam niya ang mga iyon. Mas lalo ang Daddy niyang may galit din kay Lorenzo."Mama, iiwan ko po muna ulit si Sofie. Kailangan ko lang kausapin si Lorenzo."Nilipat niya si Sofie sa bisig ng Mama niya.Nag-aalala namang tumingin sa kanya ang Mama Miriam niya.Naawa si Miriam sa
Last Updated : 2026-04-15 Read more