"Masakit sa'kin ang malayo sa inyo—""Bata ka! Tinatakot mo ko," kabadong bigkas ng Lola niya.Napabuntong hininga si Lenlen at hinarap si Juancho. Sinenyasan niya itong sumabay sa drama niya pero humalukipkip lang ito."Hindi ko po kukunin ang apo ninyo bilang kabayaran sa singsing, Lola," mahinahong bigkas ni Juancho.Agad na napasimangot si Lenlen. Basag trip! Parang ayaw siyang iuwi sa bahay nito ah!Wala ba siyang halaga para hindi maging katumbas ng diyamante?Aba, ila-lock niya ang pinto ni Kumareng Kiffy at hindi papapasukin si Pareng Junjun."Diyos ko, mabuti naman, Sir Juancho. Pero ang singsing mo, mahal iyon. Wala akong pambayad," nanlulumong bigkas ni Lola During.Ngumiti na si Juancho, "It's Okay, La. Hahanapin po ni Lenlen. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi niyo itatapon iyon. Wala po kayong kasalanan."Lalong napanganga si Lenlen kay Juancho at naituro ang sarili, "Teka... Bakit ako? Hindi naman ako ang nagtapon," protesta niya.Ngumisi naman na ang Lola niya, "Ab
Read more