Pilit na ngumiti si Lenlen, siya lang pala ang dahilan kung bakit hindi ito makapagdesisyon at ayaw niyang maging hadlang sa pagkakaroon ng closure ng mag-ama."Hay naku! Akala mo naman manggagayuma ako ng iba kapag iniwan mo rito, Dudong ah! Hindi naman ako lalayo, kung gusto mo pabantayan mo pa ako kay Kuya Felix. Promise, dito lang ako." Tinaas niya pa ang kamay bilang pangako noong harapin ang asawa.Napatitig si Juancho, "Hindi 'yan ang hinihintay kong sagot. Pinipigilan mo dapat ako," maktol nito.Napanganga naman si Lenlen, "Luh, natuto ka na talaga sa'kin, Juancho!"Ngumisi si Juancho sa asawa at hindi binitiwan ang bewang nito."Are you sure you'll be alright here?" nag-aalalang tanong pa rin nito.Ayaw niya rin naman kasing sumama. Ayaw niyang maka-istorbo sa oras ng mag-ama.Sunod-sunod siyang tumango, "Ako pa ba. Nakaya ko nga ng ilang taon noong hindi pa kita crush, ngayon pa ba? Well, absent tayo sa bembang pero may video call naman!" excited niya pang bigkas.Napangisi
Read more