Wala silang sinayang na oras. Papunta pa lang sila sa korte ay naroon na si Attorney Carancho."Uy! Attorney! Bilis mo ah. Akala ko ba naiwan ka?" puna rito ni Pedro.Ngumisi naman si Attorney Carancho, "Ayoko lang kayong kasabay," sagot nito bago bumaling sa kanya."I'm done filing it, Juancho. Tingnan natin kung i-a-approve. Nagpasa na rin ako ng ilang sample signatures mo bilang patunay na hindi ikaw ang pumirma."Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig."Thanks, Attorney. Maaasahan talaga kita," nakangiting kinamayan niya pa si Attorney na mabilis binawi ang sariling kamay."Hindi pa rin tayo b*ti. Kinasal ko si Gustavo, kinasal ko rin si Lorenzo. Tapos ikaw, hindi ka nagpunta sa'kin? Kung hindi lang para kay Lenlen, hindi kita tutulungan," nakaiwas ang tingin na bigkas nito.Imbis na mainis ay lalo siyang nangisi, "Hindi kayo close ng asawa ko, Attorney. Sige, kunwari hindi ko alam na dahil sa'kin."Nalukot ang mukha nito kahit na akbayan niya pa, "Sa sunod na kasal namin ni Le
Read more