"Sir, gusto pong makuha ni Sir Gustavo ang medical records ni Miss Angelita," imporma ng detective kay Lorenzo.Marahang sumandal si Lorenzo sa swivel chair, hawak ang cellphone sa kanyang tainga. Sinulyapan niya si Angelita na abala sa pagkain ng mansanas. Nakaupo ito sa sofa ng opisina niya, salubong ang kilay habang kumakain."Sir, kapag binigay ko po ang medical records, malalaman po ni Sir Gustavo na buntis si Miss Angelita," muling bigkas ng detective mula sa kabilang linya.Kumibot ang labi ni Lorenzo, "Don't give him anything. Sabihin mo ay hindi mo nakuha.""Noted, Sir. Tsaka gusto niya rin pong malaman bakit ninyo inaalalayan sa kwarto si Miss Angelita. Naghahanap po siya ng cctv sa VIP room," dagdag nito.Nangunot noo siya roon tapos ay maliit na ngisi.Nagseselos si Gustavo sa kanya?"Hayaan mo siyang isipin ang gusto niyang isipin. Basta huwag mong ibibigay ang records sa kanya."Tinapos na niya ang tawag. Muli niyang sinulyapan ang babaeng kinababaliwan ng kaibigan niya.
Last Updated : 2026-02-19 Read more