Kahit gaano pa katalim at katutol sa desisyon niya si Lorenzo, hindi siya nagpatinag."Hindi mo mababago na siya pa rin ang ina ng mga anak mo, Gustavo," mahinahon na ang boses nito."Ang tanong, ipapaalam ko ba?" nang-iinsultong umangat ang gilid ng labi niya, "Matagal ng patay ang nanay nila."Hindi na niya hinintay ang sagot ng kaibigan. Umalis na siya sa kwarto na 'yon at bumalik sa emergency room.Nangunot noo pa siya noong makitang naroon na rin si Simone na yakap-yakap ang Mommy niyang umiiyak."Gustavo, I'm sorry for what happened to your children," nakikisimpatyang bigkas nito."Tingnan mo itong si Simone, hindi siya ang may kasalanan pero siya ang humihingi ng sorry, samantalang ang hambog na babaeng 'yon! Hindi man lang humingi ng tawad!""That's enough, Mommy. Huwag na natin siyang isali pa sa usapan," sobrang diing bigkas niya kaya't napamaang ang ina."Ikaw ang naagrabyado rito, Gustavo. Tingnan mo at lahat ng anak mo nasa delikadong sitwasyon. Samantalang ang walang kwe
Last Updated : 2026-02-15 Read more