Tinago ni Gustavo ang pagngisi niya lalo na noong makitang nawawalan ng pag-asang tumanggi si Angelita.Nakagat niya ang ibabang labi noong tumusok sa balat niya ang matalim nitong titig."Mommy Angel, please. For me," pakiusap muli ni Gwen.Alam niyang ayaw ni Angelita ngunit napabuntong hininga na lang ito at tumango."Okay pero ngayon lang ah?" pagsuko nito.Lumpad ang ngiti ng mga anak niya at siya naman ay nangisi nang tuluyan."Yes, Daddy!" bigkas ng tatlo at humarap sa kanya para sa high-five."Job well done, Kiddos!" papuri niya sa mga ito.Tuwang-tuwa sila roon habang hindi naman maipinta ang mukha ni Angelita."F*ck," mahinang d*ing niya noong maramdaman ang maliit na kurot sa braso niya."Dinamay mo pa ang mga bata sa plano mong animal ka," madiing bulong nito na halos hindi bumuka ang mga labi.Imbis na mainis ay nangisi siya. Wala naman na itong magagawa."Ipapabili kita ng damit—""At bakit? Isang gabi lang ako roon. Papasok pa ako sa trabaho," pagdidiin nito."Even so.
Last Updated : 2026-02-25 Read more