"MARAMI kaming alaala sa bahay na ito..."Napasulyap si Faith sa ina. Makikita sa mukha nito ang lungkot. Kahit siya ay ganoon din ang nararamdaman niya.Ibinalik niya ang tingin sa luma nilang bahay na mahigit isang dekada rin nilang tinirahan sa Tondo."Nakakalungkot man, pero may mga bagay talaga na hindi panghabangbuhay.""Ang importante po, mananatili ang mga alaalang iyon sa puso natin."Tumango-tango si Nanay Berna. "Tama ka. At kahit naman umalis kami rito, hindi namin sila makakalimutan.""Gusto po ni Faith na mamuhay kayo nang masaya at malaya mula sa masakit, mahirap at malungkot na alaala. Baunin niyo lang po 'yong masasaya."Napangiti si Nanay Berna. "Ganyan na ganyan ang mga sinabi ko sa kanya noong nasa huling mga araw na siya.""Uhm, talaga po?""Gagawin ko iyon para matahimik na siya.""Tama po. Para rin naman sa kabutihan niyo iyon. Nakakasira po ng kalusugan ang masyadong pag-iisip at pag-iyak.""Nanay Berna..."Napalingon ang dalawa mula sa pagkakatayo nila sa laba
Terakhir Diperbarui : 2026-01-27 Baca selengkapnya