INILAPAG ni Thea sa mesa ang mga nabili nilang pagkain ni Theo matapos iyong maisalin sa mga lalagyan."Kumakain ka ba ng mga iyan?" pagtukoy ni Nanay Berna sa pansit, spaghetti at puto."Oo naman po. Pero maliban na lang sa mga seafoods like shrimp, crabs at lobster. May allergy po kasi ako riyan.""Ate, karneng baboy po ang sahog ng mga iyan.""Good," tugon niya sa sinabi ni Thea."Pangmayaman po kasi ang mga nabanggit mo kaya walang magtitinda po na may mahahalin na ingredients. Malulugi sila."Marahang hinampas ni Thea ang bunsong kapatid."Bakit? Totoo naman, ah? Minsan nga wala pa silang sahog. Dinadamihan lang nila ng vitsin. Nakita ko kaya si Manang Elisa.""Bakit kailangang sabihin mo pa iyon sa harap ng bisita natin?""Para lang sa kaalaman niya.""Tumahimik ka at kumain ka na lang. Akala ko ba nagugutom ka na?"Inumpisahan na nga ni Theo ang pagkain."Heto po pala ang sukli," sabay lahad ni Thea ng hawak na pera."Itabi mo na iyan.""Uhm, salamat po. Nay, binayaran na rin p
Terakhir Diperbarui : 2026-01-12 Baca selengkapnya