TBRW CHAPTER 913RD POV“Mommy, mabuti at umuwi ka rito..” Napatingin siya kay Zoe, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Bakit Mommy, anong problema?” Taka na tanong nito, habang umupo siya sa sofa. “Gustong-gusto ko na talagang mawala ang Rose at John na ‘yon, dahil hindi ako makalapit sa Apo ko, dahil sa ginagawa nila.” Napa-kunot ang noo ni Zoe, dahil sa narinig niya mula rito. “Bakit Mommy?” “Alam mo bang tuwing wala si Zena at Liam, dinadala naman nila si Liam, sa bahay nila, at alam mong hindi ako makasunod do’n.” “Mommy, hayaan mo nalang muna sila, alam mo naman na kapag nalaman na ni Liam ang totoo, balewala na naman sila.” Napangiti si Beth, dahil sa narinig niya mula rito. “Nasa’n pala ang kuya mo?” “Kanina pa siya umalis.” Malakas na nahampas ni Beth, ang sofa, dahil sa kanyang narinig. “Nakakainis talaga ang taong ‘yon, ilang beses ko na bang sabihin sa kanya, na ‘wag umalis.” “Sinabihan ko na rin siya, pero ayaw talagang makinig.” “Pasaway talaga, paano nalang kung m
Read more