TBRW CHAPTER 1073RD POV“Adrian!!” Sigaw sa kanya ni Anya, habang mahigpit siya nitong niyakap. “Mabuti at umuwi kana, alam mo bang miss na kita?” Nailing siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya.“‘Wag mo nga akong lokohin, dahil alam kung tuwang-tuwa ka, habang wala ako rito.” Malawak itong napangiti, dahil sa kanyang sinabi. “Ibang klase ka talaga, pinsan nga kita, dahil kilalang-kilala mo ako.” Muli siyang nailing, dahil sa narinig niya mula rito. “Ang daddy mo pala?” “Wala na naman dito, nasa babae niya.” Wika niya, habang hindi niya mapigilan na mapangiti, dahil bakas sa mukha nito ang inis. “Alam mo, nakakainis talaga ‘yan si Daddy, dahil kung kailan talaga siya tumanda, ro’n naman siya ginaganahan na mambabae.” “Hayaan mo na siya, para naman malibang din siya.” “Malibang? Naku! Ayoko nga siyang mambabae, dahil alam kung pera lang natin ang habol sa kanya ng mga babaeng ‘yon, lalo na at mga bata pa sila.” “At anong pakialam mo sa pera ko Anya?” Gulat silang napalingon,
Last Updated : 2026-02-20 Read more