TBRW CHAPTER 863RD POV“Ang pogi naman ng APo ko, kamukhang-kamukha mo siya Anak..” Tuwang wika ni Maria, habang nakatingin sa sanggol na dinala ni nurse. Malawak naman na na-pangiti si Liam, dahil sa narinig niya mula rito. “Saan pa ba siya magmamana Mommy?” Ngiting tanong ni Liam, habang hinaplos ang pisngi nito. “Mukhang mas malakas ang dugo mo sa amin Liam.” Iling na wika ni John, kaya napatingin siya rito. “Sinabi mo pa Dad.” “Ako naman ang hahawak sa Apo ko.” Wika ni Oliver, kaya masama itong tiningnan ni Maria. “Tumigil ka nga! Gusto mo bang mapilayan ang Apo natin?” Galit na wika nito, habang lumapit si Rose, at kinuha ang sanggol. “Rose, marunong kapa pa lang humawak ng sanggol?” Gulat na tanong ni Maria, habang tumango ito. “Oo naman, no’ng pinanganak ko si Zena, ako lang ang bumu-buhat sa kanya.” Ngiting wika ni Rose, habang nakatingin kay Zena. “Ako naman, susubukan ko, ‘wag kayong mag-alala kaya ko rin.” Wika ni Maria, habang hinawakan ni Liam ang kamay ni Zena.
Read more