TBRW CHAPTER 213RD POV Habang mahimbing na natutulog si Liam, ay hinahaplos ni Zena ang buhok nito, hindi niya mapigilan ang sarili niya na pagmasdan ang mukha nito na ubod ng gwapo. Hinihiling ni Zena na sana siya nalang ang tunay na Zoe, para hindi ito masaktan, dahil mamahalin niya ito at aalagaan. Hinihiling din ni Zena, na sana hindi na magbago pa ang isip ni Zoe. Nang makarinig nang katok sa pinto, ay agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto. "Nasa'n si Liam, Hija?" Tanong sa kanya ng ina ni Liam. "Nakatulog po siya Mommy, mukhang napagod po sa paggala natin kanina." Sagot niya, habang napangiti ito sa kanya. "Mabuti naman, halika samahan mo muna ako sa labas." Wika nito, habang hinawakan nito ang kamay niya. "Si Monique po?" Tanong niya rito, matapos niyang isara ang pinto. "Umuwi na siya Hija, ang sabi niya sa kanila nalang daw siya matutulog," lihim na natuwa si Zena, dahil wala na si Monique sa bahay. Inaamin niya na nakaramdam siya ng selos dito. Nang buksan ng i
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-29 Mehr lesen