ログインCHAPTER 189Mabilis naman na lumipas ang mga araw at linggo at mahigit isang buwan na rin ang nakalilipas nang makalabas ng ospital si Maxene.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay talagang pinagpahinga na muna ni Bernard si Maxene at hinding hindi niya pinapayagan na magkikilos ang dalaga para mabilis ng bumuti ang lagay nito at manumbalik na ang dati nitong lakas. Ang kanila namang anak ay talagang malusog na rin at hindi mo mahahalata sa katawan nito na ipinanganak ito ng kulang sa buwan dahil napakalusog nga nito.Laking pasalamat na lamang din talaga nila dahil hindi na sila ginugulo pang muli nila Irish at tahimik na ngayon ang kanilang buhay. Nanatili na lamang din muna sila Bernard at Maxene sa mansyon ng mga magulang ni Bernard dahil alam niya na mas safe doon ang kanyang mag ina at hinding hindi ito magagaglaw doon ni Irish.Simula rin ng maospital si Maxene ay hindi pa muling pumapasok sa kanyang kumpanya si Bernard at gaya ng dati niyang ginagawa ay pinaubaya muna niya sa k
CHAPTER 188Matapos naman na kumain at makipagkwentihan saglit nila Maxene ay pinagpahinga na muna ito ni Bernard dahil bawal pa nga itong mapagod. Dinala na rin nila ang kanilang anak para naman mas makatulog ito ng maayos sa kanilang silid.Agad naman na dinala ni Bernard ang kanyang mag ina sa kanilang silid doon kung saan sila nag stay ni Maxene bago ito manganak.Dahan dahan pa nga na inilapag ni Maxene ang kanilang anak sa crib nito at napangiti na lamang din talaga siya habang nakatitig sa kanilang anak. “Nakakatuwang tingnan ang ating anak na mahimbing na natutulog. At kahit pa napaaga ang paglabas niya ay talagang malusog pa rin siya,” sabi ni Maxene habang may ngiti sa kanyang labi.Inakbayan naman ni Bernard si Maxene at saka niya ito nginitian.“Kung kamukha ko si baby ay namana naman niya sa’yo ang pagiging palaban niya. Sinong mag aakala na ilang araw lang siya mamamalagi sa incubator dahil maayos na kaagad ang lagay niya kahit na kulang pa siya sa buwan,” sabi ni Bern
CHAPTER 187Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na rin na bumubuti ang lagay ni Maxene kaya naman pinayagan na rin ito ng kanyang doktor na lumabas ng ospital. Pero mahigpit pa rin na bilin ng doktor ni Maxene ay bawal na bawal pa rin na mapagod ang dalaga at bawal pa rin itong ma-stress dahil nga baka bumalik ang pananakit ng ulo nito.“Excited ka na bang umuwi?” tanong ni Bernard kay Maxene nang lapitan niya ito.“Sobra… inip na inip na nga ako rito. Ramdam ko naman sa sarili ko na kaya ko naman na. Nakakaalala na rin naman ako at hindi naman na sumasakit ang ulo ko. Kaya mabuti na lang talaga at pinayagan na ako ni dok na umuwi,” sagot naman ni Maxene at halata naman sa mukha nito na sobrang excited na nitong makalabas ng ospital dahil mahigit dalawang linggo na rin yata silang namamalagi roon.Napangiti naman si Bernard dahil sa sinabi na iyon ni Maxene at natutuwa talaga siya ngayon dahil kitang kita niya na masigla na talaga ulit si Maxene at malayong malayo sa it
CHAPTER 186“Sana ay mapatawad mo ako, Maxene. Mahal na mahal kita… mahal na mahal ko kayo ni baby Dyron,” sabi pa muli ni Bernard ng hindi pa rin nagsasalita si Maxene at sobra na talaga siyang kinakabahan ng mga oras na iyon dahil hindi nga nagsasalita si Maxene at nanatili lamang ito na nakatitig sa kanya.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Maxene at saka siya ngumiti kay Bernard.“Sino ba kasi ang nagsabi sa’yo na galit ako? Gusto ko lang naman malaman ang totoo dahil malakas na talaga ang kutob ko na ikaw talaga ang ama ng aking anak,” sabi ni Maxene. "Napapansin ko na kasi noon pa na para bang kakaiba ang kilos mo at iba ang ginagawa mong pag aalaga sa akin noong buntis ako. At mas lalo pa ngang lumakas ang kutob ko ng makita ko si baby na kamukha mo," pagpapatuloy pa niya.Bahagya namang nagulat si Bernard sa sinabi na iyon ni Maxene dahil ang inaasahan niya ay magagalit nga ito sa kanya dahil sa paglilihim niya rito.“H-Hindi ka galit?” tanong pa ni Ber
CHAPTER 185Dahan dahan naman na nag angat ng kanyang tingin si Bernard at saka siya muling napabuntong hininga “I-I’m sorry, Maxene. Sorry kung h-hindi ko kaagad sinabi sa’yo ang tungkol sa bagay na ito dahil sa totoo lang… n-natatakot kasi ako na baka iwasan mo na ako at tuluyan mo ng layuan,” sabi ni Bernard sa dalaga.“Ano ba kasi yan? Ano ba kasi ang sasabihin mo?” tanong pa muli ni Maxene.“M-Maxene ang t-totoo nyan ay… a-ako talaga ang tunay na ama ni baby Dyron at a-ako talaga ang lalaking nakasama mo ng gabi na iyon,” pag amin na ni Bernard at saka niya bahagyang pinisil ang kamay ni Maxene. “I’m sorry kung ngayon ko lang ito sinabi sa’yo. Balak ko naman na sana itong sabihin sa’yo noon pa pero natatakot kasi ako na baka magalit ka sa akin kaya pinili ko na lang muna na manahimik at hindi umamin sa’yo pero maniwala ka man o sa hindi ay humahanap talaga ako ng tamang tyempo para umamin sa’yo,” pagpapatuloy pa niya at talagang kinakabahan na siya ng mga oras na iyon.Bahagya n
CHAPTER 184Makalipas naman ang ilang oras ay nagising na rin si Bernard at nagulat pa nga siya dahil pagtingin niya sa bintana ay madilim na pala sa labas. Napabalikwas pa nga siya ng bangon dahil parang wala pa yatang tanghali ng matulog siya pero ngayon nga ay madilim na ang kalangitan.“Gising ka na pala anak. Kumusta ang tulog mo? Mukhang bumawi ka talaga ng tulog ngayon ah,” nakangiti naman na sabi ni Diana kay Bernard.Napakurap kurap naman si Bernard at saka siya napatingin kay Maxene na buhat buhat na ang kanilang anak at nakaalalay dito ang ina nito.“P-Pasensya na po. Napahaba po yata ang tulog ko,* hinging paumanhin si Bernard.“Ayos lang yun hijo. Mas mabuti nga yan na nakatulog ka ng mahaba haba para makabawi ka naman sa puyat mo,” sagot naman ni Andrea.Nginitian naman ni Bernard ang ina ni Maxene at tila ba bigla siyang nakaramdam ng hiya rito.Napatingin naman si Bernard sa gawi ng mesa at naroon na pala ang kanyang ama kasama ang ama ni Maxene at mukhang may seryoson
CHAPTER 92Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng linggo at ngayon din ang araw ng pagpunta nila Maxene at Bernard sa mansyon ng magulang ng binata upang ipaalam sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis ni Maxene.“Relax ka lang ha. Hindi naman kita pababayaan at isa pa ay a
CHAPTER 77“N-Naku dad. S-Siguro po ay dahil ngayon nyo na lamang po ulit ako nakita kaya nyo po nasabi yan. Dati pa naman pong ganito ang katawan ko baka hindi nyo lamang po iyon napapansin noon,” sagot ni Maxene sa kanyang ama at sobrang lakas talaga ng kabog ng kanyang dibdib dahil talagang nata
CHAPTER 76“S-Seryoso ka ba sa sinasabi mo na iyan anak? Kilala mo ba talaga si Mr. Aragon? Hindi ka ba nagbibiro lamang?” hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Maximo kay Maxene.Dahan dahan naman na tumango si Maxene at saka siya nagyuko ng kanyang ulo dahil hindi niya kayang titigan ang kanyan
CHAPTER 78Nang sumapit naman ang araw ng linggo ay sinundo ni Bernard si Maxene sa unit nito dahil nakiusap ang ina ng binata na dalhin naman daw niya muli si Maxene sa mansyon. Medyo nag aalangan pa nag si Maxene noong una dahil baka nga mahalata ng mga ito ang kanyang tyan pero kalaunan ay napap







