“Can you stop shouting?” Bumagsak ang mga luha ko nang suntukin niya ang lamesa, “F*ck.” “Nagsabi na ako sa ‘yo Clark, hindi ako kumportable sa babaeng ‘yon. Yung amoy ng pabango niya na kumakapit sa ‘yo, yung lipstick na nakita ko sa damit mo, yung mga text niya sa ‘yo, sabihin mo nga, kung ikaw ang nasa kalagayan ko hindi ka ba mag-iisip ng hindi maganda dahil sa mga nakita at napansin mo?” “Hindi!” “Singungaling!” “Hindi, dahil may tiwala ako sa ‘yo!” Kahit hirap ako sa paghinga, sinikap kong sabihin sa kanya ang lahat. Nakakuyom ang mga kamao ko habang nag-iipon ng lakas ng loob, “‘Wag mong ikaila Clark, please lang. Magpakatotoo ka. Kung may lalakeng umaaligid sa akin sigurado akong hindi ka rin mapapanatag. Lalo kung hindi ako gumagawa ng paraan para lumayo sa lalakeng ‘yon. Hanggang saan aabot yang tiwala mo kung wala akong gagawin para bigyan ka ng assurance.” “Hindi ba’t kinausap na kita tungkol dyan?” “Kinausap? Pagkausap ang tawag mo ron?!” “Babe please, ple
続きを読む