Hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking nakita ko sa dulo ng beach.Matangkad siya, naka-itim na hoodie kahit mainit ang araw, at nakatingin lang talaga sa akin—diretso, walang galaw. Parang hindi niya ako pinapansin na tao lang, kundi parang bagay na sinusuri. Nang tingnan ko ulit, wala na. Parang multo. Pero alam ko, hindi ako nagkakamali. May nakita talaga ako.Agad akong tumayo mula sa beach chair at tinawag ang bodyguard na malapit lang.“Kuya, may nakita po akong lalaki roon sa dulo. Nakaitim. Tingin niyo po?”Kumunot ang noo niya, agad na kinuha ang radio sa belt niya. “Check the perimeter. Suspicious individual spotted sa east side ng beach. Black hoodie, male, approximately 6 feet tall.”Maya-maya, dumating ang dalawa pang security. Naglakad sila roon, naghanap sa buhangin, sa likod ng mga puno ng niyog, kahit sa tubig. Pero walang nakita. Walang bakas ng paa kahit sa basa-basa pa ring buhangin. Walang kahit anong ebidensya.“Ma’am, baka po nagkakamali lang kayo,” sabi ng isa
Last Updated : 2026-01-04 Read more