May sagot na si Xavier sa kanyang puso bago pa man niya tuluyang itanong ang tanong. Alam niyang hindi basta-basta bibitawan ni Mayumi ang titulo bilang kanyang asawa.Minsan na siyang minahal nito nang lampas sa sarili, isang pagmamahal na handang isugal ang lahat, kahit pa ang dangal, kahit pa ang kapayapaan. Ginawa nito ang lahat para lamang mapangasawa siya. Ang kasal nilang iyon ay hindi basta seremonya lamang, isa iyong pangako na nabuo sa gitna ng sakripisyo, isang alaala na may kasamang buhay na nawala… ang ina ni Mayumi.Kung bibitawan niya iyon, parang sinabi na rin nitong walang halaga ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang ina.Bukod pa roon, kilala niya ang pamilya Blaze... matalino, maingat, at higit sa lahat, praktikal. Hinding-hindi nila papayagan si Kiel na magpakasal sa isang babaeng dati nang may asawa, lalo na kung ang kasal na iyon ay konektado sa pamilya Valerio.Walang matinong tao ang pipili ng ganoong komplikadong landas. Kaya bago pa man niya marinig ang sagot,
Read more