Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng maliit na silid habang hinihintay nilang matapos ang cremation.Silang tatlo lang ang naroon… siya, si Miranda, at si Xavier.Walang ibang tunog maliban sa mahinang ugong ng air conditioner at sa paminsan-minsang paghikbi na pilit niyang nilulunok. Para bang maging ang oras ay huminto sa kwartong iyon, sinasabayan ang bigat na unti-unting dumidiin sa kanyang dibdib.Hindi siya iniwan ni Xavier tulad ng ipinangako nito, nanatili lang ito roon sa tabi niya. Hindi rin siya nito pinilit na magsalita, hindi siya kinulit, hindi nagtanong kung ayos lang ba siya, dahil marahil ay alam nitong hindi.Hindi rin nito sinubukang sabihin ang mga salitang, “Everything will be okay,” dahil pareho nilang alam na sa mga sandaling iyon, walang kahit anong salita ang makapagpapagaan sa sakit na nararamdaman niya.Paminsan-minsan ay nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya, tila nag-aalalang baka tuluyan na naman siyang bumigay. Pero sa halip na magsalita, hinahay
Huling Na-update : 2026-08-22 Magbasa pa