Pagkagising kinabukasan, agad na bumangon si Mayumi mula sa kama. Kahit mabigat pa ang kanyang pakiramdam, pinilit niyang ihanda ang sarili. Kailangan niyang makarating nang maaga sa opisina dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin.Matapos maligo at magbihis, tahimik siyang lumabas ng kanyang silid. Bago tuluyang bumaba, dumaan muna siya sa kwarto ni Christian. Bahagya niyang binuksan ang pinto at nakita itong mahimbing pa ring natutulog.Napatitig siya rito nang ilang segundo. Kitang-kita niya ang mga pasa at sugat na unti-unti pa lang naghihilom, mga bakas ng pananakit na tiniis nito dahil sa kanya.Mahinang napabuntong-hininga si Mayumi. "Matulog ka muna, Christian," bulong niya sa sarili. "Tatawagan na lang kita mamaya."Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at tuluyang lumabas ng mansyon. Pero paglabas pa lang niya sa harapan ng bahay at akmang sasakay sa kanyang nakaparadang sasakyan, bigla siyang natigilan. Tatlong lalaking nakasuot ng itim ang nakaharang sa kanyang daraana
Huling Na-update : 2026-08-04 Magbasa pa