Sandaling napatigil si Peter, tila hindi komportable sa susunod nitong sasabihin. “Nakakahiya mang aminin, pero mas magaling siya sa akin. Hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa niya.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mayumi. Sa ibang pagkakataon, malamang ay matutuwa siya sa narinig. Si Peter?... Si Peter na halos hindi kailanman yumuyuko sa iba?Si Peter na mas gugustuhing lunukin ang sariling dila kaysa amining may taong mas mahusay sa kanya? Ngunit ngayon, wala siyang lakas para ngumiti.Sa halip, isang tahimik na paghanga ang namuo sa kanyang puso. Hindi iyon simpleng papuri, ito ay pagkilala. Pagkilala ni Peter sa kakayahan niya. Kahit sa panahong halos wala na siyang natitirang lakas para maniwala sa sarili.“Mayumi,” muling tawag ni Kiel.Tumingin siya rito.“We’ll make sure you won’t have to carry everything alone.”Saglit siyang natahimik pagkatapos ay marahan siyang tumango. Hindi niya alam kung kaya niya, hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin. Pero isa
Huling Na-update : 2026-08-25 Magbasa pa