Nangilid ang mga luha ni Ysabel habang tahimik na nakatingin kay Richard na mahimbing nang natutulog sa kama. Malakas ang paghilik nito, naghalo ang pagod sa kanilang pagniniig at sa pagkalasing nito.Samantala, si Ysabel ay naiwan na naman sa tahimik na silid, pinipilit lunukin ang bigat na namumuo sa kanyang dibdib.Dahan-dahan siyang tumayo at nagpunta sa banyo upang linisin ang sarili. Ganito na lang palagi ang nangyayari. Pagkatapos siyang gamitin ni Richard, matutulog ito na parang walang nangyari.At siya? Siya ang maiiwan upang maglinis ng mga kalat, ng mga basag na bote, at maging ng suka nito kapag sobra na ang kalasingan.Dati, halos hindi siya makapagtiis kahit makakita lang ng kaunting kalat. Hindi siya sanay sa ganoong buhay. Pero ngayon, wala na siyang pagpipilian.Kapag tumanggi siya, sasaktan siya ni Richard. Kapag lumaban siya, lalo lang lalala ang sitwasyon. Kaya natutunan niyang manahimik, natutunan niyang tiisin ang lahat.Pero habang nakatingin siya sa sarili sa
Huling Na-update : 2026-08-30 Magbasa pa