Pagdating nila sa kwarto, dahan-dahang inalalayan ni Mayumi si Christian hanggang sa makaupo sa gilid ng kama.“Careful.”Maingat niyang hinawakan ang balikat ni Christian habang unti-unti niya itong inihiga. Hindi niya ito binitiwan hangga't hindi siya nakasisiguro na maayos na ang pagkakahiga nito at hindi na muling sumasakit ang katawan.Nang tuluyan nang makasandal si Christian sa malambot na unan, ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa tabi ng kama.Tahimik niya itong pinagmasdan. Ngayon, sa ilalim ng mahinang ilaw ng bedside lamp, mas malinaw niyang nakikita ang mga pagbabagong pilit nitong itinatago sa lahat.Nanlalalim na ang mga mata nito, mas payat ang pisngi, at kahit pilit itong ngumiti na para bang walang anumang problema, hindi na nito maitatago ang pagod na nakaukit sa mukha.May kung anong lungkot sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Parang may unti-unting kumakain sa dating lakas ni Christian. At higit sa lahat, parang unti-unti itong nauubusan ng lakas p
Huling Na-update : 2026-08-10 Magbasa pa