Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unti niyang napagtanto na hindi lang pala pagkain ang tinatanggihan ni Xavier… Pati siya.Ang effort niya, ang pagmamahal niya, ang pagpapahalagang pilit niyang ibinibigay at ang pinakamasakit sa lahat, tila sinasadya nitong iparamdam sa kanya na hindi siya sapat.Kung anu-anong paraan ang ginawa nito noon para ipahiya at saktan ang kanyang damdamin. At sa isang punto, nagtagumpay si Xavier… nagawa nitong sirain ang kumpiyansa niya sa sarili. Nagawa nitong paniwalain siya na baka wala talaga siyang halaga, na baka kailangan niyang patunayan palagi ang sarili niya para lang maging karapat-dapat sa pagmamahal nito.Napapikit si Mayumi. Ayaw niyang balikan ang mga panahong iyon, ayaw niyang maalala kung gaano siya kahina noon.Pero ngayong nasa harap na siya mismo ng gusaling iyon, tila muling bumukas ang isang sugat na matagal na niyang pinagaling. Hindi niya kayang pumasok, hindi niya gustong makita ang mga taong naroon, lalo na ang mga taong min
Last Updated : 2026-09-01 Read more