Pagpasok nila sa elevator, kapwa nanatiling tahimik sina Mayumi at Xavier. Biglang naging napakaliit ng espasyo sa pagitan nila.Kanina lang ay halos wala silang tigil sa pag-uusap sa loob ng opisina. Pero ngayon, tila pareho silang nawalan ng masasabing salita, para silang nakikiramdaman.Mahigpit na nakahawak si Mayumi sa strap ng kanyang designer bag. Bahagya niyang ibinaba ang tingin, pilit na iniiwasang mapatingin kay Xavier.Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Marahil dahil sariwa pa sa isip niya ang mga sinabi nito, sa mga pasimpleng pahaging nito sa kanya. Xavier is a straightforward man, hindi ito mahilig magpaligoy-ligoy. Pero kanina, parang nawalan ito ng kompyansa sa sarili.At higit sa lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang may mga bagay itong gustong sabihin pero pinipiling sarilinin muna.Samantala, nakapamulsa naman ang dalawang kamay ni Xavier. Tahimik itong nakatayo sa kanyang tabi, tuwid ang tindig at nakatuon lang ang tingi
Last Updated : 2026-09-05 Read more