Pagsakay nila sa kotse, agad napansin ni Mayumi ang kakaibang kilos ni Kiel.Para itong asong hindi mapakali at gustong umihi, panay ang paggalaw sa kinauupuan, paulit-ulit na humihinga nang malalim, at ilang beses ding napapahawak sa manibela na para bang pinag-iisipan kung itutuloy ba talaga ang kanilang pupuntahan.Habang papalapit sila sa bahay ni Miranda, lalo itong kinakabahan. Kanina lamang ay halos kaladkarin siya nito papunta roon, pero ngayon, tila unti-unti namang nawawala ang tapang nito. Ilang beses pa nitong sinulyapan ang kalsadang kanilang tinatahak na para bang nag-iisip kung maaari pa silang lumiko at bumalik.Ngayon lang nakita ni Mayumi si Kiel nang ganito. Palagi itong sigurado sa mga desisyon nito sa buhay. Kapag may gusto itong gawin, ginagawa nito. Kapag may napagpasyahan, pinaninindigan nito hanggang dulo. Hindi ito iyong tipong basta-basta uurong dahil lamang sa kaba o takot.Pero ngayon... Dahil lang sa isang babae, tila biglang nagdadalawang-isip ang lalaki
Last Updated : 2026-09-15 Read more