Pagdating nila sa five-star hotel, agad silang sinalubong ng ilang staff. Kilala na sila roon dahil madalas nilang gamitin ang lugar para sa kanilang mga conference meeting, business luncheon, at iba pang mahahalagang pagtitipon.“Mr. Blaze, Miss Mayumi, Miss Sager. This way, please,” magalang na bati ng isang staff habang bahagyang yumuyuko.Tumango lang si Kiel bago sumunod. Si Miranda naman ay tahimik ding naglakad sa tabi nila, habang siya ay palinga-linga sa paligid.Mabilis silang dinala ng staff sa kanilang reserved table para sa tatlo. Maayos na nakalatag ang mga kubyertos, kristal na baso, at malinis na puting tablecloth. Tahimik at elegante ang buong lugar, bagay na bagay sa isang business lunch "kuno"Pero kahit gaano kaganda ang paligid, parang may sariling maliit na mundo silang tatlo… sobrang tahimik na para bang hindi sila magkakakilala.Napabuntong-hininga si Mayumi habang palihim na tinitingnan ang dalawang kasama. Kung hindi siya magsasalita, hindi rin magsasalita si
Última actualización : 2026-09-11 Leer más