Pagkababa niya ng cellphone, may boses na agad na nagmula sa kanyang likuran.“Sino ’yon?”Napapitlag siya. Napalingon siya at doon niya nakita si Peter na nakatayo sa likuran niya. Hindi niya namalayang nakasunod pala ito hanggang elevator.Hindi niya ito sinagot, pero tila hindi naman kailangan ni Peter ng sagot.“Si Xavier ’yon, ’no? Pupunta ka sa bahay niya?... sa dating bahay n’yo?”Napabuntong-hininga siya. Napatingin siya rito nang masama.“Peter…”Pero hindi pa rin ito tumigil. Sakto namang bumukas ang elevator. Agad siyang pumasok, umaasang matatapos na roon ang pang-aasar nito. Kaso, nakasunod pa rin si Peter. Pagkapasok nila sa elevator, nakangisi pa rin ito.“So, anong gagawin mo doon?”Wala siyang sagot.“Kahapon sa apartment mo,” patuloy nito. “Mamaya sa bahay niya naman?”Umiling si Mayumi.“How sweet.”Sumimangot siya. “I’ll just fix his lampshade.”“Lampshade?”Halos hindi makapaniwala si Peter.Tumawa ito nang bahagya at napailing. “Lampshade talaga?”“Yes. Lampshade
Last Updated : 2026-09-25 Read more