“Xav, stop scaring Ate Nora...” natatawang sabi ni Ysabel pero hindi siya natawa, lalo lang siyang nagalit. “Nora, hindi porket matagal ka nang naninirahan dito sa mansyon, wala kang karapatan na ganyanin ang mga tao dito. Pinapayuhan kitang huwag mong kalimutan ang lugar mo. Kaibigan ko siya, nandito siya para magpahinga, hindi para tulungan ka sa trabaho mo!” maautoridad na sabi niya.Lalong namuti si Nora. Nakayuko lang ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Minsan lang siyang naggalit sa katulong, palagi niyang pinapalampas ang mga kapalpakan nito dahil nga matanda na.“It’s okay, Xav... Idea ko naman na mag-stay dito. Ano ba naman ang konting tulong na magagawa ko? Saka nakaka-bored naman kapag walang ginagawa.” sabat ni YsabelTiningnan lang niya si Ysabel at muling ngumiti ito sa kanya, sapat na para huminahon siya.“Tama si Ate Nora, kailangang may nagluluto ng pagkain mo. Simula nang umalis si Mayumi, ang laki na ng ipinayat mo. Hindi pwedeng walang may nag-aalaga sa’y
Last Updated : 2026-01-28 Read more