MAYUMI'S POV:Pagkababa ng sasakyan, binuhat siya ni Kiel papunta sa inuupahan niyang apartment. Hinatid siya nito galing sa ospital.Bigla siyang nahiya, hindi bagay si Kiel doon. Luma ang elevator, at ang mga dingding ay nagbabalat na ang pintura. Ayaw sana niyang magpabuhat, pero manhid pa rin ang paa niya dahil sa anesthesia.Buti na lang, mataas ang kanyang pain tolerance at marami na siyang napagdaanang mas masakit kaysa rito.Hiyang-hiya siya kay Kiel, parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa sa mga oras na ‘yon pero alam niyang nagmamagandang loob lang ang kaibigan.Pagkabukas niya ng pinto gamit ang susi, ay binaba na siya ni Kiel sa sofa pero agad din siyang tumayo at tumalon-talon papunta sa ref at kumuha ng inumin para kay Kiel.“Uminom ka muna. Pasensya ka na sa bahay ko ha.”Kinuha ni Kiel ang inabot niyang juice at inikot ang tingin sa kanyang lumang apartment.Simple at payak ang apartment niya, puro puti ang pintura na siya din ang gumawa. May ilang maliliit na dek
Dernière mise à jour : 2026-01-25 Read More