Isla Moretti POV Madilim ang paligid habang binabaybay ng lantsa ang tahimik na dagat. Ang tanging naririnig ko lang ay ang makina ng sasakyang pandagat at ang malakas na paghampas ng alon sa gilid nito. Nakasandal ako sa dibdib ni Kalix, ramdam ang bigat ng bulletproof vest na suot ko pa rin hanggang ngayon. "Isla, okay ka lang?" bulong ni Kalix. Inayos niya ang jacket na nakabalot sa akin para hindi ako mahanginan. "Medyo sumasakit lang ang puson ko, Kalix. Siguro dahil sa pagtakbo natin kanina," sagot ko. Pilit kong inayos ang upo ko pero bawat galaw ko, parang may humihila sa loob ng tiyan ko. "Dante, bilisan mo pa nang kaunti. Kailangan nating makarating sa barko agad," utos ni Kalix. "Copy, Boss. Malapit na tayo," sagot ni Dante mula sa unahan. Tiningnan ko si Rico na nakaupo sa tapat namin. Maputla siya at hawak-hawak ang tagiliran niyang may benda, pero nakayakap pa rin siya sa bag na kinalalagyan ng mga album ni Nanay. "Rico, bitawan mo muna 'yan. Magpahinga ka muna,"
Read more