Isla Moretti POV Hindi ako makatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong sa labas ng pinto mo, may mga lalaking may hawak na baril na handang pumatay? At mas malala, ang asawa mo, parang naging ibang tao na. Mula nung nangyari ang atake, hindi na umakyat si Kalix sa kwarto para matulog. Kung hindi siya nasa opisina, nasa basement siya. Anong ginagawa niya sa basement? Doon ako kinakabahan. “Nay, kain na po kayo,” sabi ko kay Nanay habang iniaabot ang lugaw. Tanghali na pero parang gabi pa rin dito sa loob dahil sa mga plywood na nakaharang sa bintana. “Isla, nasaan ba si Kalix? Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Hindi man lang sumasabay sa atin kumain,” tanong ni Nanay. “Busy lang po, Nay. Alam niyo naman, maraming inaasikaso sa agency,” pagsisinungaling ko ulit. Pagkatapos pakainin si Nanay, hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari. Naglakad ako palabas ng sala. Nakita ko si Rico na nakatayo sa dulo ng hallway, malapit sa pinto papuntang basemen
Last Updated : 2026-02-10 Read more