Isla Moretti POV Nagising ako sa loob ng SUV na maayos pa ring tumatakbo sa expressway. Ang huling naaalala ko ay paalis pa lang kami ng BGC habang pinag-uusapan ang pangalan ni Sebastian Gabriel. Ngayon, pagtingin ko sa labas, madilim na ang kalsada at tanging ang mga streetlights na lang ang nagbibigay ng liwanag. Naramdaman ko ang malambot na unan sa likod ko at ang kumot na nakabalot sa akin. Lumingon ako sa driver’s seat at nakita ko si Kalix, seryosong nakatitig sa daan, ang isang kamay ay nasa manibela habang ang isa naman ay nakapatong sa center console, malapit sa kamay ko. "Gising ka na pala," mahina niyang sabi, hindi inaalis ang tingin sa kalsada pero naramdaman ko ang pagpisil niya sa daliri ko. "How are you feeling? May masakit ba?" "Wala naman. Nakatulog pala ako nang mahaba," sagot ko habang dahan-dahang nag-i-stretch. "Nasaan na tayo? Malapit na ba sa Batangas?" "Malapit na sa Star Tollway exit. Around forty-five minutes na lang, nasa bahay na tayo," sagot niya.
Baca selengkapnya