Nakapark ang kotse ni Elijah sa isang bakanteng espasyo sa gilid ng kalsada. Hindi siya agad pumasok. Sa halip, nanatili siyang nakatayo sa tabi ng sasakyan, ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa, habang tahimik na minamasdan ang paligid na tila ba sinusubukang unawain ang lugar, at ang buhay na lumipas dito.Hindi ito bagong komunidad. Malinaw sa unang tingin pa lang. Hindi magkakalayo ang mga bahay, ngunit walang pagkakapare-pareho ang itsura, may matataas, may mababa, may maganda, may tama lang ang ayos para sa normal na pamilya. Sa pagitan ng mga eskinita, may mga plastik na bubong na itinayo nang kusa, pansamantala pero tila naging permanente na sa paglipas ng panahon. Ang mga pader ng bahay ay kulay-abo, balot ng alikabok at dumi na tila ilang dekada nang hindi nahuhugasan ng panahon.Tahimik ang lugar, pero hindi patay.Inisip ni Elijah si Ysa, kung paano siya lumaki rito. Kung paano siya naglakad sa mga kalyeng ito sa loob ng mahigit sampu o marahil dalawampung taon. Sa bawat
Terakhir Diperbarui : 2026-01-30 Baca selengkapnya